Mga mamamahayag na sumasama at nag co-cover sa RoRe mission ng militar sa WPS, mariing kinondena ang mga ‘manipulated videos’ allegations ng China laban sa media

Mga mamamahayag na sumasama at nag co-cover sa RoRe mission ng militar sa WPS, mariing kinondena ang mga ‘manipulated videos’ allegations ng China laban sa media

Mariing kinondena ng mga mamahayag na miyembro ng Defense Press Corps, National Union Journalists of the Philippines, at Foreign Correspondents Association of the Philippines ang mga alegasyon ng China laban sa mga miyembro ng media sa Pilipinas.

Ito ay matapos na akusahan ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunyung, at ng Chinese Embassy in Manila ang mga mamahayag sa bansa, partikular na ang mga journalists na sumasama at nagco-cover ng rotation at resupply mission ng militar sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal, na minamanipula umano ng mga ito ang mga videos at balitang inilalabas hinggil sa mga aksyon ng China sa WPS upang palakbasin na masama ang kanilang bansa at pagmukhain daw na biktima ang Pilipinas.

Ang mga alegasyon na ito ng China na pumupuntirya na rin ng media ay hindi nagustuhan hindi lamang ng mga Pilipinong mga mamamahayag kundi maging ng mga foreign journalists na sumasama rin sa mga resupply mission ng militar sa Ayungin shoal at pawang personal din na nakasaksi sa mga agresibong aksyon ng China laban sa mga barko ng Pilipinas.

Anila. ang mga akusasyon ng nasabing bansa ay insulto sa integridad ng mga mamamahayag na Isa ring nakakaalarmang pagtatangka na sikilin at patahimikin ang independiyenteng pamamahayag.

Giit ng naturang mga grupo, ang mga mamamahayag na sumasama sa misyon ng militar sa WPS ay nagbubuwis ng kanilang buhay upang harapin ang mga agression ng China upang maghatid ng katotohanan hinggil sa tunay na sitwasyon at tensyon sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

Kasabay nito ay binigyang-diin din ng mga ito na kinikilala ng mga progresibo at sibilisadong mga bansa ang free press o malayang pa mamahayag na bahagi ng mga pundasyon para sa isang patas at matatag na lipunan.

Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ito ay sinabi ng naturang grupo ng mga mamamahayag na hindi Mai-intimidate ng anumang mga banta ang reputasyon ng mga ito at magpapatuloy pa rin sa pagbabalita ng mga development at pangyayari sa West Philippine Sea. 

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved