‘Withdrawal of support’ ng DND, AFP kay Duterte, fake news!

‘Withdrawal of support’ ng DND, AFP kay Duterte, fake news!

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) – April 19, 2021 – 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ‘fake news’ ang isang online post na nagsasabing hindi na suportado ng mga retirado at aktibong militar si Pa-ngulong Rodrigo Duterte.

“We denounce the irresponsible propaganda being propagated in online posts alleging that a group of retired and active military officers are withdrawing their support for the President,” ani  Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, hindi  sila kailanman magiging bahagi ng mga fake news na makadadagdag lamang sa problema at  makaapekto sa sitwasyon ng  bansa.

Apela ni Lorenzana, tigilan na ang mga malicious propaganda dahil mas kailangan ngayon ng  bawat  Filipino ang pagkakaisa laban sa banta ng pandemya at isyu ng   West Philippine Sea.

Tinukoy ng kalihim  ang  umano’y tinatawag na “Viber 500” at ilang heneral na nasa gabinete na maliban kay vaccine czar Carlito Galvez, ay nagtutulak kay Duterte na kondenahin ang encroachment  ng China  sa WPS.

Sa kabila nito, ibinasura naman ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana ang umano’y Viber group na kinabibilangan ng mga senior at junior officers mula sa mga retired at active military  officers.

Tiniyak ni Sobejana na hindi nila suportado ang mga ganitong uri ng  samahan na lalo lamang mabibigay ng gulo sa isip ng  publiko.

Lumabas ang mga post tungkol sa “warplanes” mula sa iba’t ibang bansa at  magla-landing sa Clark Airbase, Pampanga. Aniya, indikasyon ito na nais lamang gumawa ng gulo ang mga nasa likod ng  post.

“We have issued a statement dismissing that SMS as fake news. No such lan-dings or taking off of aircraft from other countries are taking place. The AFP is on normal alert as opposed to the claim of that spurious sender,” ani Sobejana.

Inaabisuhan ni  Sobejana ang publiko na ma-ging kalmado at ibibigay ng  AFP ang seguridad sa bawat Filipino.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved