UPDATE: 2 sa 3 bilanggo na nakatakas, napatay ng awtoridad

UPDATE: 2 sa 3 bilanggo na nakatakas, napatay ng awtoridad

Dalawa sa tatlong presong nakatakas mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa nitong Lunes, Enero 17, ang napatay sa manhunt operation ng mga awtoridad.

Kinilala ng Muntinlupa police ang mga nasawi na sina Pacifico Adlawan, 49, tubong Surigao del Sur, na nagsisilbi sa kanyang sentensya para sa frustrated homicide at paggamit ng droga, at Arwin Bio, 35, tubong Leyte, na hinatulan ng tangkang pagpatay. 

Napatay si Bio sa engkwentro sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Muntinlupa police bandang alas-3 ng hapon sa kahabaan ng Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

Nagsasagawa pa rin ng operasyon ang Muntinlupa police para arestuhin ang tumakas na preso na si Drakilou Falcon, 34, na nasentensyahan sa kasong robbery with homicide at possession of firearms.

Nakatakas sina Adlawan, Bio, at Falcon sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa nitong Lunes ng madaling araw, Enero 17, na ikinasugat ng tatlong correction officer at isa pang bilanggo.

Ayon sa mga pulis, nakatakas ang tatlo sa maximum security compound ng NBP bandang ala-1 ng madaling araw nitong Enero 17 sa pamamagitan ng paglalagari ng mga grills ng bintana ng kanilang dormitory cell.

Nagsasagawa ng inspeksyon ang mga tagabantay ng NBP East Building nang makarinig sila ng ilang putok ng baril mula sa loob ng dormitoryo. Napag-alaman nila na nakatakas ang tatlong preso.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/17/3-armadong-bilanggo-nakatakas-sa-nbp-sa-muntinlupa/

Jonathan Hicap

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved