South Africa hinikayat ang ICJ na gumawa ng hakbang laban sa Israel

South Africa hinikayat ang ICJ na gumawa ng hakbang laban sa Israel

Nanindigan ang South Africa na iligal ang ginagawang pag-atake na ng Israel sa Gaza.

Sinabi ng representative ng South Africa sa International Court of Justice (ICJ) sa The Hague, na marapat na masilip ang legalidad ng polisiya ng Israel sa Palestinian territories.

Giit pa ni Vusimuzi Madonsela, ambassador ng South Africa sa the Netherlands , na malinaw na hindi makatao ang discriminatory policies at practices ng Israel sa Palestino.

Malinaw din aniya na iligal ang pag-okupa ng Israel sa Palestino at mararapat na ito ay tapusin na.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved