Senado haharangin ang naglalakihang infra funds ng mga Kongresista sa kanilang distrito

Senado haharangin ang naglalakihang infra funds ng mga Kongresista sa kanilang distrito

Senado haharangin ang naglalakihang infra funds ng mga Kongresista sa kanilang distrito

Gemma Garcia (Pang-masa) – November 25, 2020 – 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang hara­ngin ng Senado ang bil­yun-bilyong infrastructure budget insertions ng mga kongresista para sa kanilang mga distrito na ipinaloob sa 2021 national budget at ipalipat sa edukasyon para sa 2.3 milyon estudyante na walang kuryente sa halip na sa infrastructure projects.

Sa paghimay ng Senado sa 2021 budget  ng Department of Education (DepEd) at Department of Energy (DOE) ay inamin nila na P3.88 bilyon ang kailangang pondo para mabigyan ng kurynte ang mga paaralan at P25 bilyon ang kailangan para matanggal ang backlog sa household connections.

Ang paghimay ng Senado sa P667 billion budget ng DPWH sa taong 2021 ay lumilitaw na P447-B dito ay para sa mga congressional dis­trict, nasa P620-M hanggang P15 billion ang infrastructure projects ng bawat kongresista, nadiskubre rin na mayroong mga double funding, over­lapping projects sa mga distrito at biglaang insertions sa budget nang magpalit ng liderato sa Kamara nang maupo si House Speaker Lord Allan Velasco.

Sinabi pa ni Lacson na sa laki ng insertions sa budget na ginawa ng Kamara ay sapat na sana para tulungan ang mga lugar na nasalanta ng mga nakalipas na bagyo.

Base naman sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), nangangaila­ngan ng agarang tulong ng pamahalaan ang mga bata kaya umaapela ito sa administrasyong Duterte na pondohan ang mga pangangailangan na ito.

CosmoNews

Comments are closed.