Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act ganap ng batas matapos itong lagdaan ni PBBM

Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act ganap ng batas matapos itong lagdaan ni PBBM

— Advertisements —

Ganap ng batas ang Self- Reliant Defense Posture Revitalization Act, matapos itong lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kaninang umaga bago ito bumiyahe patungong Lao PDR para dumalo sa ASEAN Summit.

Ang nasabing batas ay magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng bansa.

Ayon kay Pang. Marcos ngayong ganap na itong batas, magiging matibay na ang inaangkla nating diskarte sa pagtatanggol sa lakas ng ating sariling mga mapagkukunan at kakayahan.

Sinabi pa ng Presidente, ipinag-uutos ng ating Saligang Batas na ang Estado ay “maglingkod at magprotekta” sa mga mamamayan at soberanya nito na isang tungkuling hindi lamang reaktibo kundi bilang paghahanda rin sa anumang hamon na darating.

Ipinunto ng Pang. Marcos na sa loob ng ilang dekada, ang ating kakayahan sa pagtatanggol ay nakasalalay sa kung ano ang maaari nating makuha mula sa ibang bansa.

Malaking bagay ito para sa ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo ang SRDP Program, na ipinatupad sa ilalim ng kaniyang ama ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nagtakda ng entablado para sa isang mas self reliant defense strategy, na humihikayat sa atin na mag tap sa ating sariling mga mapagkukunan at kakayahan.

Sa nasabing batas may preference na para pumili ng mga filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon systems, armas, ammunition, combat clothing, armor, vehicles, at iba pang military equipment.

Mababawasan na rinang pagiging dependent ng bansa sa foreign suppliers, at makatutulong din ito sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Present sa event sina Speaker Martin Romualdez, Senate President Chiz Escudero, Defense Sec. Gilberto Teodoro at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved