Seguridad sa Shariff Aguak, hinigpitan pa kasunod ng nangyaring kaguluhan sa huling araw ng COC filing

Seguridad sa Shariff Aguak, hinigpitan pa kasunod ng nangyaring kaguluhan sa huling araw ng COC filing

— Advertisements —

Hinigpitan pa ng Philippine National Police(PNP) ang seguridad sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, kasunod ng nangyaring kaguluhan kahapon(Oct. 8), huling araw ng paghahain ng kandidatura.

Batay sa inilabas na report ng PNP, isang community watchman ang napatay at anim na iba pa ang sugatan kasunod ng naturang kagulugan.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang kaguluhan matapos umanong hindi apprubahan ng Commission on Elections ang kandidatura ng isang tumatakbo sa pagka-bise alkalde dahil sa ilang mga legal complication.

Tuluyan umanong nanggulo ang mga suporter ng kandidato na agad namang tinugunan ng mga miyembro ng Shariff Aguak Municipal Police, Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at iba mga local security forces.

Kasunod ng naturang kaguluhan, nagdagdag na ang PNP ng mga personnel sa ilang potential flashpoint area sa buong Shariff Aguak.

Samantala, ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia, ang kandidatong nagnais tumakbo bilang bise-alkalde ay mayroong warrant of arrest.

Matapos siyang maberipika, natunton ng secutiy forces na siya ay may kinakaharap na warrant kayat agad itong isinilbi habang pinipilit niyang maghain ng kandidatura, bagay na ikinagalit ng kaniyang mga suporter.

Paliwanag pa ni Garcia, walang hawak ang naturang kandidato na COC kundi tanging ang certificate of nomination and acceptance(COC) lamang mula sa isang political party, ang kanyang dala-dala kayat hindi siya pinagbigyan.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved