Russian President Putin, inakusahan na suspek sa pagkamatay ng opposition leader sa kulungan

Russian President Putin, inakusahan na suspek sa pagkamatay ng opposition leader sa kulungan

Inakusahan ni Yulia Navalnaya si Russian President Vladimir Putin bilang suspek sa pagkamatay ng asawa nitong si Alexei Navalny na kilala bilang kritiko ni Putin at lider ng oposisyon.

Nangako rin si Navalnaya na ipagpapatuloy nito ang ipinaglalaban ng kanyang asawa na “free Russia.”

Sa video na inilabas ni Navalnaya, sinabi nitong pinatay ni Putin ang kalahati ng kanyang buhay, puso, at kaluluwa. Subalit mayroon pa rin naman daw siyang kalahati na nagsasabing hindi dapat siya sumuko kaya ipagpapatuloy daw niya ang laban ng pumanaw na asawa para sa kanilang bansa.

Hinimok niya rin ang mga Russian na suportahan siya at ipakita ang kanilang galit sa mga taong pinapatay ang kanilang kinabukasan.

Tatlong araw na mula ng pumanaw sa kulungan si Navalny pero hindi pa rin umano nakikita ng pamilya nito ang kanyang katawan.

Isang prison colony ang nagsabi sa ina ni Navalny na nasa morgue malapit sa kulungan ang katawan nito, ngunit ng puntahan ito ng mga kaanak ni Navalny ay wala roon ang katawan nito.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved