Pinas ready na sa pagsalubong sa COVID-19 vaccines — DOH

Pinas ready na sa pagsalubong sa COVID-19 vaccines — DOH

Ludy Bermudo (Pang-masa) – February 28, 2021 – 12:00am

MANILA, Philippines — Handang-handa ang pamahalaan sa pagtanggap ng unang batch ng Sinovac coronavirus di­sease (COVID-19) vaccines na donasyon ng Chinese go­vernment, na paparating ngayon, ayon sa Department of Health kahapon.

Sa naging usapan sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, isang linggo nang pinaghandaan ang dating inaasahan na pagdating ng Pfizer vaccines kaya inuulit na lang aniya ang mga ginawang pagha­handa para sa Sinovac.

“Nag-simulation acti­vities kahapon at tiningnan kung paano ’yung pag-receive, pagtanggap, at pag- distribute, at pag transport. Lahat po ay sinisiguro na wala tayong as much as possible magka-gap dahil napaka importante ng bawat dose ng bakunang ito,” ani Vergeire.

Nasa 600,000 doses ng Sinovac vaccines ang mismong sasalubungin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Villamor Air Base sa Pasay City ngayong Linggo, kung saan magkaakroon ng inspection sa tarmac, magkakaroon din umano ng press conference doon at isasabay ang pagpapasalamat sa Pangulo ng China.

Ibibiyahe naman ang nasabing bakuna patungo sa DOH facility sa Marikina City.

CosmoNews

Comments are closed.