— Advertisements —
Tumalon sa ika-18 na pwesto mula sa ika-27 ang Pilipinas sa 19th Asian Games ranking, matapos mapanalunan ni EJ Obiena ang men’s pole vault. Ito ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa palaro.
Mayroon na ang bansa ng kabuuang bilang na 8 medalya, isang gold, isang silver at anim na bronze.
Nangunguna pa rin sa top spot ang People’s Republic of China na may 113 na gold medal, 67 na silver at 34 na bronze.
— Advertisement —