Naglaan ang gobyerno ng Pilipinas ng tinatayang P8.3 million para sa taong 2024 para suportahan ang United Nationas sa pagtugon ng pangangailangan ng mga refugee at displaced persons para sa 2024.
Ginawa ng PH ang commitment na ito sa idinaos na UN Office of the High Commissioner for Refugees (UNHCR) Pledging Conference for 2024 sa Geneva noong Disyembre 5.
Ayon kay Philippine Deputy Permanent Representative to the UN in Geneva Kristine Leilani Salle, tinaasan ng PH ang inilaang boluntaryong kontribusyon nito na 50% kumpara sa taunang kontribusyon nito sa organisasyon sa nakalipas na mga taon.
Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang international community na magkaroon ng kolektibong resources para maprotektahan at makahanap ng solusyon para sa mga refugee, stateless persons at asylum seekers at iba pang displaced persons.
Ang PH ay isang consistent donor sa UNHCR gayundin sa specific refugee response plans nito gaya ng para sa mga Rohingyan, Ukrainian at Sudanese refugees dahil sa mga nangyayaring krisis at giyera sa kanilang mga bansa ngayong 2023.