Ph Army, nanindigang itutuloy ang mga kasong isasampa vs 2 aktibistang bumaliktad sa militar sa kabila ng protection order na hiningi ng mga ito sa SC

Ph Army, nanindigang itutuloy ang mga kasong isasampa vs 2 aktibistang bumaliktad sa militar sa kabila ng protection order na hiningi ng mga ito sa SC

— Advertisements —

Nanindigan ang Philippine Army na itutuloy nito ang mga kasong kanilang inihahanda laban sa dalawang aktibistang sina Jhed Tamano, at Jonila Castro na bumaliktad sa mga militar.

Ito ay sa kabila ng kahilingan ng dalawa sa Korte Suprema ng writ of amparo at protection orders laban sa ilang opisyal ng gobyerno.

Sa isang mensahe ay sinabi ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad na iginagalang ng kanilang hukbo ang karapatan nina Castro at Tamano na alinsunod na rin sa batas kasabay ng pagtiyak na magpapasakop sila sa desisyon ng kataas-taasang hukuman sakaling makahanap man ito ng merito laban sa kasundaluhan.

Ngunit gayunpaman ay hindi aniya ito nangangahulugang matitinag ang militar sa pagsasagawa pagsasagawa ng legal actions laban sa dalawa.

— Advertisement —

Giit muli ni Trinidad, mabuti ang hanagarin ng tropa ng militar sa pagbibigay ng tulong sa pagbabalik-loob nina Castro at Tamano sa pamahalaan ngunit sa kabilang banda ay ibinunyag ng mga ito ang kanilang tunay na kulay at intensyon na luminlang hindi lamang sa militar, kundi maging sa pamahalaan, taumbayan, at maging sa kanilang sariling mga pamilya.

Samantala, sa kabila ng mga pangyayaring ito ay nanindigan ang Philippine Army na mananatili itong tapat sa kanilang mandato na maglikod sa ating bansa.

Magugunitang nakasaad sa inihaing petisyon ng mga aktibistang sina Jhed Tamano at Jonila Castro ang kanilang hiling sa Korte Suprema na maglabas ng writ of amparo at writ of habeas data para sa kanilang proteksyon laban kina Lieutenant Colonel Ronnel Dela Cruz at mga miyembro ng 70th Infantry Battalion, Police Captain Carlito Buco at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Bataan, National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved