Partylist solon suportado ang dagdag na benepisyo para sa mga barangay workers, retroactive pay hikes sa mga LGU employees

Partylist solon suportado ang dagdag na benepisyo para sa mga barangay workers, retroactive pay hikes sa mga LGU employees

— Advertisements —

Suportado ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukalang magbigay ng karagdagang benepisyo sa insurance sa mga manggagawa sa barangay at magsagawa ng retroactive pay increases para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang mga tungkulin bilang mga facilitator ng mabuting pamamahala.

Ang nasabing panukala ay iniakda ni Speaker Martin Romualdez na bigyan ng Social Security System coverage ang mga barangay officials at maging ang mga workers.

Sang-ayon din si Yamsuan sa rekomendasyon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa pag-amyenda sa mga probisyon ng Local Government Code (LGC) para mapagana ang retroactive salary increases ng mga manggagawa sa local government units (LGUs).

Ang pagpapahintulot sa retroactive effect ng pagtaas ng suweldo ng mga empleyado ng LGU ay alinsunod sa equal protection clause na nakasaad sa konstitusyon.

Binigyang-diin din ni Yamsuan na walang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga plantilla positions ng mga kawani sa LGUs at sa iba pang ahensya ng gobyerno, kung kaya’t dapat silang magtamasa ng parehong benepisyo.

Giit ng Kongresista ang mga local government workers, kabilang ang mga nasa barangays ay nagsisilbing mga frontliners din sa pagbibigay ng basic services sa publiko.

Ang mga ito din ang tumutulong para mapanatili ang kapayapaan at maging resilient ang komunidad.

Sinabi ni Yamsuan na ang panukala ni Speaker Romualdez na isama ang mga opisyal ng barangay para maging miyembro ng SSS ay isang mahalagang hakbang upang palawakin pa ang benepisyo.

Ang House Bill (HB) 9976, ay naglalayong amyendahan ang Republic Act 6942 kabilang ang barangay tanod, barangay health worker, barangay day care worker, at ang mga miyembro ng mga Lupong Tagapamayapa na mabigyan ng death, burial and accident insurance benefits.

Sa ilalim kasi ng RA 6942, tanging ang punong barangay, Sangguniang Kabataan (SK) chairperson, at iba pang mga piling barangay officials ang entitled sa insurance benefits.

Suportado din ni Yamsuan ang panukalang magbibigay ng six-year fixed term para sa elective barangay officials.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved