PAOCC, nasakote ang mga torture videos ng ilang POGO workers sa isang raid sa Pasay

PAOCC, nasakote ang mga torture videos ng ilang POGO workers sa isang raid sa Pasay

— Advertisements —

Sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dorm sa Pasay city nitong Biyernes, Pebrero 14.

Sa naging imbestigasyon ng operasyon, nadiskubre ng mga otoridad ang samut’saring mga torture videos ng mga biktima ng Chinese kidnappers.

Ayon kay PAOCC Excutive Director Usec. Gilbert Cruz, naligtas nila ang 34 Indonesians na siyang bihag ng apat na Chinese nationals sa Pasay na hinihilang isang POGO hub.

Pagpasok ng PAOCC sa unit ay tumambad sa kanila ang isa sa apat na kidnappers at isa sa mga biktima na nakaposas pa at tinotorture.

Ani Cruz, nang tignan at suruin ang personal cellphone ng kidnapper ay nagkalat ang mga larawan at videos na nagpapakita kung paano gawing laruan ng mga kidnappers ang kanilang mga biktima.

Ilan lamang sa mga larawang nakita ng mga otoridad ay isang babaeng Chinese national na kinukuryente sa pribadong parte ng katawan nito habang nakaposas sa isa sa mga bintana. Mayroon ding ilan na tinututukan ng baril sa ulo at iba pang klase ng torture.

Sa kasalukuyan, nsa kustodiya ng PAOCC ang isang Chinese national at hinihinalang POGO boss na siyang pasimuno ng kidnapping incidents.

Samantala, nananatili namang naka-monitor ang PAOCC sa mga maliliit na POGO operators na patuloy sa mga operasyon sa kabilang ng kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasara panghabang buhay ang mga POGO hubs sa bansa.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved