Naidikit ng Boston ang serye vs Miami Heat sa 2-3

Naidikit ng Boston ang serye vs Miami Heat sa 2-3

LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Hindi pa tapos ang Celtics.

Tiniyak ni Jayson Tatum na hindi uuwi ng maaga ang Celtics nang pangunahan ang Boston laban sa Miamia Heat, 121-108, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Game Five ng Eastern Conference finals.

Hataw si Tatum sa naiskor na 31 puntos at 10 rebounds, habang kumana si Jaylen Brown ng 28 puntos para makamit ng Boston ang panalo at maidikit ang serye sa 2-3.

Nakatakda ang Games Six sa Linffo (Lunes sa Manila).

Nag-ambag si Daniel Theis ng 15 puntos at 13 rebounds para sa Celtics, naghabol ng 12 puntos sa third quarter. Kumana naman si Kemba Walker ng 15 puntos, habvang tumipa sina Marcus Smart at Gordon Hayward ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna si Goran Dragic na may 23 puntois sa Miami, habang tumipa sina Jimmy Butler ng 17 puntos at Game Four hero Tyler Herro at Jae Crowder ng tig- 14 puntos.

“In all sincerity, first time I’ve seen Celtics basketball in the last few games,” pahaya ni Boston coach Brad Stevens.

CosmoNews

Comments are closed.