Miyembro ng US Air Force patay matapos sunugin ang sarili sa labas ng Israeli embassy sa Washington D.C.

Miyembro ng US Air Force patay matapos sunugin ang sarili sa labas ng Israeli embassy sa Washington D.C.

Patay ang isang aktibong miyembro ng US Air Force matapos na silaban ang sarili sa labas ng Israeli Embassy sa Washington, D.C.

Nagvideo pa ang 25-anyos na si Aaron Bushnell ng San Antonio, Texas kung saan sinabi nito na hindi na niya masikmura ang mga nagaganap na genocide sa Israel.

Ibinaba niya ang kaniyang cellphone at nagbuhos ng hindi malamang likido at sinunog ang sarili.

Habang sinusunog ang sarili ay sumigaw ito na “Free Palestine”.

Wala namang naitalang nasugat sa mga empleyado ng Israeli Embassy.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nangyari dahil isang protester ang nagsunog ng sarili sa labas ng Israeil Consulate sa Atlanta.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved