Mga pulis na gumaling sa COVID-19, pumalo na sa 4,500

Mga pulis na gumaling sa COVID-19, pumalo na sa 4,500

Nadagdagan pa ng 37 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (September 26), 5,705 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,188 ang aktibo pang kaso.

90 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit kung saan isa ang na-readmit.

Dahil dito, 4,500 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 17 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.