Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ng 4.2% o 2.09 million noong buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon base sa inilabas na data ngayong araw ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay mas mababa kumpara sa 4.5% na naiatla sa parehong buwan noong 2022 at 4.8% noong Hulyo ng 2023.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang mababang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay bunsod ng pagtaas ng indibidwal na nagkaroon ng trabaho na nasa 47.80 million.
Ito ang itinuturing na pinakamataas na employment rate sa bansa simula ng makapagtala ng 47.8 million noong Abril ng taong 2005.
Paliwanag din ng PSA official na karaniwang nagha-hire ang mga local employer ng mas maraming staff sa huling kwarter ng taon habang papalapit ang kapaskuhan.