Mga ‘persona non grata’ tarpaulin kontra CPP-NPA pinabaklas ni Moreno

Mga ‘persona non grata’ tarpaulin kontra CPP-NPA pinabaklas ni Moreno

Mga ‘persona non grata’ tarpaulin kontra CPP-NPA pinabaklas ni Moreno

Danilo Garcia (Pang-masa) – October 23, 2020 – 12:00am

MANILA, Philippines — “We don’t need those kind of shenanigans. Sana ipinambili na lang ng mask ‘yung ginastos sa tarpaulin at ipamahagi sa mga utaw (tao), nakatulong pa kayo.”

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno matapos niyang ipabaklas ang mga tarpolina na nagsasaad ng persona non grata laban sa CPP-NPA.

Ayon kay Moreno na kung siya lang ang masusunod ay mas nais niyang ipinambili na lamang ng mga face masks ang ginastos sa pagpapagawa ng mga ‘persona non grata tarpaulins’ na ipinabaklas nitong naka­raang Miyerkules.

Anya, hindi kailangan ngayon ng bansa ang naturang uri ng inilarawan niyang ‘toxic’ ngayong panahon ng pandemya.

“There is a pandemic, what we need is to continue to give hope to each and everyone, spread love and compassion. Pilipino kapwa Pilipino ay magkaisa muna saka na ang politika sa gitna ng pandemya,” paliwanag ni Moreno.

Kahit anong dami ng tarpaulin umano ang ikalat ay hindi ito makatutulong sa pagpapaluwag sa sitwasyon ng tao, dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na may tamang panahon para sa “political beliefs and gains” ngunit hindi nga­yong panahon ng pan­demya.

CosmoNews

Comments are closed.