Mayor Bullet at Rep. Suntay itinanggi ang malisyosong ugnayan nila sa actor na si Dominic Roque

Mayor Bullet at Rep. Suntay itinanggi ang malisyosong ugnayan nila sa actor na si Dominic Roque

Kapwa itinanggi nina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at Quezon City 4th District Congressman Bong Suntay ang malisyosong usapin sa pagkakaugnay nila sa actor na si Dominic Roque.

Kasunod ito sa naging usap-usapan na inilabas ng entertainment reporter na si Cristi Fermin na may kakaibang relasyon ang actor sa dalawang pulitiko.

Ayon sa dalawa na kaibigan nila ang actor dahil sa pare-parehas sila ng hilig sa motorsiklo ng mahigit 10 taon na.

Ang nasabing condominium ng alkalde ay pinarerentahan sa actor sa murang halaga o presyong kaibigan ng mahigit tatlong taon.

Sinabi naman ni Suntay na naging endorser niya ng kaniyang gasolinahan ang actor at walang katotohanan an binigyan niya ng gas station ang actor.

Ikinalungkot ng dalawa na pati ang kanilang pangalan ay nadamay sa paghihiwalay ng actor sa nobyang si Bea Alonzo.

Naglabas na rin ng pahayag ang actor ukol sa nasabing usapin kung saan plano nito ng sampahan ng kaso si Fermin.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved