Mag-ina, patay nang makulong sa nasusunog na bahay

Mag-ina, patay nang makulong sa nasusunog na bahay

ni Fer Taboy

Patay na ang mag-ina matapos hindi nakalabas sa nasunog na bahay sa San Vicente Subdivision, Barangay Poblacion, bayan ng Leganes, Iloilo kahapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Ana Vivien Ganon, 49, at anak na si Anthony Quin Ganon, 21.
Kritikal naman ang isa pang anak na kinilalang si Andrew Vince Ganon, 16.

Sinabi ni Fire Senior Superintendent Atty. Jerry Candido, regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6, ang sunog ay naganap ng dakong  10:00 ng gabi habang tulog ang mga biktima.

Ayon pa kay Candido  na halos hindi na makilala ang mag-ina nang matagpuan.

Napag-alaman na dalawang palapag ang bahay at hindi kaagad na nakalabas ng kanilang kwarto ng mangyari ang sunog.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved