LTO, nag isyu ng show cause order laban sa driver na nang-araro ng mga sasakyan sa QC at Parañaque

LTO, nag isyu ng show cause order laban sa driver na nang-araro ng mga sasakyan sa QC at Parañaque

— Advertisements —

Naglabas na ng magkahiwalay na show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga driver na nasasangkot sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon City at Parañaque City.

Habang sinuspinde rin ng 90-araw ang driver license ng mga naturang driver at inutusan ring i-surrender ang kanilang mga driver license sa madaling panahon.

Sa kabilang banda, pinatawan rin ng LTO ang mga sasakyang ginamit ng mga driver na Wing Van Truck at UV Van bilang under alarm upang maiwasan ang anumang transaction nito o muling paggamit sa mga ito.

Maalala na base sa Police report na nakalap ng LTO-Law Enforcement Service (LES), noong Disyembre 5, ang Wing Van Truck  ay nang-araro ng mga sasakyan at motorsiklo sa Katipunan flyover sa Quezon City na ikinasawi ng apat na katao at 25 na iba pang sugatan.

Habang ang UV Van ay nakabangga naman sa Parañaque City ng isang motorista na agad nitong ikinasawi at lima pang nadamay na taong sugatan noong Disyembre 6.

Kaugnay nito pinagpapasa rin ng written explanation ang truck driver kung bakit hindi aniya siya dapat patawan ng Reckless Driving at kung bakit hindi dapat ma-suspinde o ma-revoked ang kanyang lisensya.

Kasama rin sa i-pinagpapaliwanag ng LTO ang mga may-ari ng mga naturang sasakyan kung bakit hindi dapat sila madamay sa nangyaring insidente. 

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved