LGUs, hinimok na tumalima sa suspensiyon ng pass-through fees

LGUs, hinimok na tumalima sa suspensiyon ng pass-through fees

— Advertisements —

Hinimok ang mga lokal na pamahalaan na tumalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. o sa Executive Order No. 41 na nagsususpendi sa paniningil ng pass-through fees mula sa mga sasakyang nagbabiyahe ng goods.

Isa na dito ang Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO) na nananawagan sa mga lokal na pamahalaan na igalang at striktong sumunod sa kautusan at kung hindi man tumalima ang mga ito ay sana maturuan aniya ng leksiyon para sa hindi pagsunod.

Sa parte naman ng DTI, nagpahayag aniya ng pagtalima sa naturang kautusan ang lokal na pamahalaan ng Maynila. Kung saan nag-isyu na ng compliance notice ang Manila LGU na nagsususpendi sa paniningil ng pass-through fees.

Ginawa ito ng naturang LGU habang nakatakdang ilabas pa lamang ng pamahalaan ang implementing guidelines ng EO.

— Advertisement —

Itinuturing naman ng DTI na isang welcome development ito dahil ang Manila ang ilan sa mga LGU na napaulat na naniningil ng mataas na pass-through fees.

Ayon kay ACTOO Vice President Rina Papa, nasa P2,000 hanggang P2,500 bawat truck kada buwan ang sinisingil ng Manila city government.

Kung susumahin sa loob ng isang taon, nasa halos P30,000 kasa buwan ang binabayaran ng isang truck lamang.

Kung kayat, umaasa naman ang DTI na sa pamamagitan ng notice of compliance ng Manila LGU ay susunod din ang iba pang mga lokal na pamahaalaan sa direktiba ng Pangulo.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved