Kamara nakahanda arestuhin si Pastor Quiboloy kapag hindi ito sumipot sa pagdinig

Kamara nakahanda arestuhin si Pastor Quiboloy kapag hindi ito sumipot sa pagdinig

Tiniyak ng House of Representatives, nakahanda sila ipatupad ang pag-aresto laban kay Pastor Apollo Quiboloy kapag hindi ito sumipot sa pagdinig ng Kamara.

Magugunita na naglabas ng subpoena ang Kamara laban kay Quiboloy kung saan malinaw na nakasaad na kapag hindi ito sumipot sa Committee on Legislative Franchise ay agad itong ipa-contempt.

Ito ang binigyang-diin ni 1-RIDER Partylist Rep. Rodge Gutierrez, ng matanong tungkol sa kahandaan ng Kamara kapag hindi pa rin sumipot si Quiboloy.

Ang subpoena ay pirmado ni Speaker Martin Romualdez, Rep. Tambunting at House Secretary general Reginald Velasco.

Ang Committee on Legislative Franchise ay pinamunuan ni Parañaque City 2nd District Rep. Gus Tambunting, na kasalukuyang tinatakay ang batas na layong kanselahin ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI), na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Quiboloy.

Si Gutierrez, ang may akda sa SMNI franchise revocation bill.

Ayon sa mambabatas na may mga tanong na tanging si Quiboloy lang ang makakasagot at hindi ang kaniyang mga abogado.

Ayon naman kay PBA Partylist Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles tama lamang na dumating si Pastor Quiboloy para sagutin ang mga alegasyon.

Binigyang-diin naman ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang kahalagahan ng paglalabas ng subpoena at huwag ito maliitin.

Naglalabas lamang ng subpoena kung ang  respondent ay hindi nakikipag cooperate.

Ayon kay Adiong pagkakataon na ito na idepensa ni Quiboloy ang kanilang prangkisa.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved