Isang NPA patay sa Masbate

Isang NPA patay sa Masbate

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Brgy. Cabas-an, Aroroy, Masbate.

Ayon kay Lt. Colonel Siegred Felipe Awichen, battalion commander ng 2nd Infantry Battalion, nagsagawa ng follow up operation ang kanyang mga tauhan sa lugar matapos ang pamamaslang sa isang barangay councilor at barangay tanod sa Brgy. Cabas-an.

Agad na nagkapalitan ng putok ang dalawang hanay dahilan para mapatay ang isang rebelde.

Wala naming naiulat na nasugatan o nasawi sa hanay ng pamahalaan.

Narekober sa lugar ang dalawang M16 rifles, anti-personnel mines, medical paraphernalia, terroristic propaganda materials at iba pang personal na gamit.

Nagpapasalamat ang militar sa mga residente sa lugar dahil sa kanilang kooperasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.