(Inaprubahan ng PEZA sa unang 2 buwan ng 2024) P12-BILYONG INVESTMENTS

(Inaprubahan ng PEZA sa unang 2 buwan ng 2024) P12-BILYONG INVESTMENTS

INIULAT ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagtaas ng investment approvals nito sa unang dalawang buwan ng taon ng 18.66 percent sa P12.10 billion mula P10.19 billion sa kaparehong panahon noong 2023.

Ang naturang mga proyekto ay nagmula sa 28 bago at expansion projects na mag-aambag ng USD661.1 million sa exports revenues at lilikha ng karagdagang 3,850 trabaho. “The significant upswing in our investment performance within two months underscores our commitment to achieving our target of PHP250 billion investments for this year,” wika ni PEZA Director General Tereso Panga.

Para sa Pebrero lamang, inaprubahan ng PEZA Board ang kabuuang 16 proyekto, kabilang ang siyam na ecozone enterprises, 3 IT enterprises, 1 domestic market, 2 ecozone logistics services, at 1 ecozone developer. Ang investments ng 16 proyekto ay may kabuuang halaga na P9.88 billion.

Ang mga proyektong inaprubahan ngayong buwan ay inaasahang magdaragdag ng USD591.48 million sa exports at lilikha ng 2,243 direct jobs.

(PNA)

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved