Ilang flight, kinansela ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon – MIAA

Ilang flight, kinansela ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon – MIAA

— Advertisements —

Ilang flight ang kinansela ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), partikular na naapektuhan ang Manila-Siargao-Manila flights.

Sa pagtaya ng airport authorities, maaari pa itong madagdagan kung mananatiling masama ang lagay ng panahon sa ilang parte ng ating bansa.

Una nang iniulat ng state weather bureau na dulot ito ng isang namumuong sama ng panahon.

Payo naman ng mga otoridad, makipag-ugnayan agad sa airline companies kung kabilang ang inyong flight sa naapektuhan, para sa rebooking o refund ng tickets.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved