Higit 600 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

Higit 600 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

Umabot sa 609 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (November 24), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (November 25).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 391 kung saan 266 ang adult habang 125 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 205.

Wala namang nahuli na hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, anim ang nahuling naninigarilyo habang pito sa iba pang ordinansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.