DOH, muling nagpaalala sa mga motorista na magmaneho ng ligtas ngayong Holy week para iwas aksidente

DOH, muling nagpaalala sa mga motorista na magmaneho ng ligtas ngayong Holy week para iwas aksidente

Muling nagpaalala sa mga motorista ang Department of Health na magmaneho ng ligtas ngayong Holy week break para iwas aksidente.

Ayon sa ahensiya, maaaring maiwasan ang mga aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na mga hakbang.

Una, dapat na suriin muna kung nasa maayos na kondisyon ang sasakyan bago bumiyahe lalo na kung mahaba-haba ang lalakbayin.

Ikalawa, dapat na iwasan ng driver na uminom ng alak bago at sa kasagsagan ng pagmamaneho at dapat na mayroong sapat na panhinga.

Ikatlo, huwag gumamit ng cell phone habang nagmamaneho.

Ikaapat, panatiling hydrated ang katawan at magpahinga din kapag mahaba ang biyahe.

Ang paalala na ito ng DOH ay may kinalaman sa datos ng World Health Organization kung saan tumataas ang bilang ng mga namamatay sa aksidente sa kalsada sa Pilipinas. Ang road crashes din aniya ang pangunahin subalit nababalewalang public health issue.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved