Gaganaping ‘National Rally for Peace’ ng INC, all set na

Gaganaping ‘National Rally for Peace’ ng INC, all set na

— Advertisements —

All set na ang paghahandang ginagawa ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo para sa ‘National Rally for Peace’ para sa bukas, Enero 13, 2025.

Sa pag-iikot na ginawa ng Bombo Radyo, nasa 95 percent complete na ang kanilang stage na gagamitin, may mga banner rin na gagamitin ang bawat distrito kung saan gagamitn para mas mabilis matukoy ng mga miyembro ng INC ang kanilang lugar para sa talaan.

May mga medical station din na itinayo sa palibot ng Quirino Grandstand. Habang dalawang L.E.D Telivision naman ang itinayo sa entrance at exit ng Qurino Grandstand na may sukat na mahigit 3 metro ang laki at aabot naman sa apat na metro ang haba.

Bukod dito may mga command stations na itinayop ang INC na aabot sa 17 mula sa Padre Paredes St, Maynila hanggang Qurino Grand Stand.

Aabot naman sa 41 SCAN units o Society Communicator and Network International ang ipinakalat ng pamunuan ng INC mula Lerma St., Maynila hanggang Qurino Grand Stand upang mag asiste sa mga kapatid dadalo ng naturang rally.

Dagdag pa rito ang mga nakakalat na outdoor portable toilet sa Roxas boulevard na naka set narin at mayroon din sa loob at labas ng Quirino Grandstand.

Ipinagbabawal naman ng mga awtoridad sa harap ng Qurino ang mga sidewalk vendor na magtinda upang maisaayos ang naturang rally.

Habang isasara na mamayang alas-kwatro ng umaga ang mga kalsada sa Katigbak Drive at South Drive, Independence Road, north at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula sa Katigbak Drive hanggang UN Avenue, north at southbound lanes ng Bonifacio Drive mula Katigbak Drive hanggang Anda Circle, P. Burgos Avenue mula Victoria Street hanggang Roxas Boulevard, Ma. Orosa Street mula P. Burgos Avenue hanggang UN Avenue, Finance Road mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue, Gen. Luna Roundtable, at Kalaw Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved