Flood alert, muling itinaas sa ilang bahagi ng Central Luzon

Flood alert, muling itinaas sa ilang bahagi ng Central Luzon

— Advertisements —

Nakataas muli ang heavy rainfall at flood alert sa ilang bahagi ng Central Luzon.

Dulot pa rin ito ng habagat na pinaigting ng nagdaang bagyong Enteng.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), umiiral ang orange warning sa Zambales at Bataan.

Nangangahulugan ito na uulanin pa rin ang nasabing mga probinsya sa mga susunod na oras, na maaaring magresulta sa muling pagbaha at pagguho ng lupa.

Habang yellow rainfall warning naman sa Tarlac at Pampanga, na nangangahulugan ng pag-ulan na mas malakas o mas matagal kaysa sa normal na buhos nito.

Maaari pa ring bahain ang low lying areas ng nasabing mga lalawigan.

Habang sa Metro Manila naman ay makulimlim ang papawirin at posible ang mga pag-ulan mamayang hapon o gabi.

Ang binabantayang low pressure area ay wala pa namang direktang epekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved