PBBM inaming ‘It’s complicated’ ang estado ng kaniyang relasyon sa pamilya Duterte ngayon

PBBM inaming ‘It’s complicated’ ang estado ng kaniyang relasyon sa pamilya Duterte ngayon

— Advertisements —

Tahasang inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na “It’s Complicated” ang status ng kaniyang relasyon ngayon sa pamilya Duterte.

Sagot ito ng Pangulo ng matanong hinggil sa estado ng kaniyang relasyon sa pamilya Duterte dahil sa kaliwat kanang batikos laban sa kaniya.

Sinabi ng Pangulo, na sa ngayon ang nakakausap lamang niya sa pamilya ay si Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ng Pangulo na mula nuong panahon ng kampanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kanilang relasyon.

Ipinunto ng Presidente na kaniyang tinanong ang Pangalawang Pangulo kung Okay pa ba siya sa kabila ng mga tirada ng kaniyang ama at ng mga kaalyado nito.

” It’s complicated. It’s complicated. But if you ask about… The one, of course, I have the most contact with is Inday Sara and how we were with each other during the campaign, after the election, it hasn’t really changed. Yun na nga, that’s what she always says. Oh, are you all right na you’re in the middle of all of these?” She says, “No, I’ll just work. Don’t worry about it. I’ll just work and work and work and work. That’s her attitude,” sagot ni Pang. Marcos Jr.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved