GAZA – Pinagdadampot ng Israeli forces ang dose-dosenang Hamas fighters sa Gaza, makaraang maglitawan ang mga ito mula sa mga pinagtataguang tunnel.
Nabatid na kinargahan ng maraming tubig-dagat ng Israel ang mga lagusan, kung saan nakatago ang mga armas at pagkain ng mga militante.
Nabatid na dalawang high volume pumps ang ginamit ng Israel kaya ang ilang taguan ng Hamas ay nagiba dahil sa lakas ng pressure ng tubig.
Bago ikinulong ang mga ito, kinumpiska ang kanilang mga hawak na armas at tinanggalan din ng damit, dahil sa posibleng pagkukubli nila ng pampasabog.
Makikitang tinalian ang mga melitante bago isinakay sa mga truck para ilipat sa iba’t-ibang bilangguan.