Dominguez tinabla buwis pa more ng mga bilyonaryo

Dominguez tinabla buwis pa more ng mga bilyonaryo

Tutol ang Department of Finance na magpataw ng buwis sa mga bilyonaryo o ang panukalang ‘super rich tax’ sa kabila ng malaking kakulangan sa koleksiyon ng pamahalaan para pantustos sa mga gastusin ng bansa.

Ayon sa DOF, sumulat si Finance Secretary Carlos Dominguez III kay House Speaker Lord Allan Jay Velasco para sabihing hindi nito makakamtan ang layunin nitong mapalaki ang koleksiyon ng buwis ng pamahalaan.

Sabi ng DOF, maaaring biglang lalaki ang koleksiyon sa buwis ngunit sinabi nitong hindi nito mahihikayat ang paglago at investments na pangmatagalan.

Dagdag ni Dominguez, apat na bansa lamang ang nagpapatupad ng wealth tax: Belgium, Norway, Spain, at Switzerland.

Related Posts

Babala niya, maaaring umalis sa bansa ang mayayaman kasama na ang kanilang yaman kung magpatupad ng wealth tax ang Pilipinas.

Sa pagtataya ng IBON Foundation, madadagdagan ng P467.1 bilyon ang koleksiyon ng pamahalaan kung magpatupad ito ng billionaire tax na katumbas ng 1% sa kayaman nilang hihigit sa P1 bilyon, 2% sa kayamanang hihigit sa P2 bilyon, at 3% sa kayamanang hihigit sa P3 bilyon.

Sa kasalukuyan ayon sa IBON ay may 2,919 bilyonaryong Pinoy at ang kayamanan nila ay nasa P8.1 trilyon o katumbas ng 16% ng kayamanan ng bansa.

Giit pa ng IBON, kayang pondohan ng super rich tax ang pangangailangan sa ayuda ng mga nawalan ng trabaho at ng mga negosyong nagsara. (Eileen Mencias)

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved