Construction worker, patay matapos magpatiwakal sa Lucena City

Construction worker, patay matapos magpatiwakal sa Lucena City

— Advertisements —

NAGA CITY- Patay ang isang construction worker matapos magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si alyas Jeffrey, 35-anyos, residente ng Purok Maganda, Brgy. Gulang-gulang, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang mismong kapatid na kinilalang si alyas Regie na nakabigti sa loob ng kanilang banyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad,nabatid na bago ang insidente, ang biktima ay mayroong pinagdaraanan na depression.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa pangyayari.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved