Bumaba ulit! 838 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Bumaba ulit! 838 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Nakapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 838 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mas mababa ito kumpara sa 899 COVID-19 cases na naitala noong Sabado ng hapon.

Dahil naman sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,831,807 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Gayunman, sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 16,630 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 47.8% ang mild cases, 23.36% ang moderate cases, 15.2% ang severe cases, 7.1% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit, at 6.5% naman ang critical cases.

Mayroon din namang 1,217 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,766,816 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 156 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 48,361 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.71% ng total cases.

Mary Ann Santiago

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved