BREAKING: Bilang ng COVID-19 recoveries sa Pilipinas, nasa 252,510 na

BREAKING: Bilang ng COVID-19 recoveries sa Pilipinas, nasa 252,510 na

Halos 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (September 27), umabot na sa 304,226 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 46,372 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,995 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.6 porsyento ang severe habang 3.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 60 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,344 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 19,630 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 252,510 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.