Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 1,334

Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 1,334

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, August 4) , nadagdagan ng 78 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 1,334.

Sa nasabing bilang 1,021 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na ito sa 154.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 2,509.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews