Pentagon chief, muling pinagtibay ang suporta para sa PH matapos ang panibagong agresyon ng China sa WPS

Pentagon chief, muling pinagtibay ang suporta para sa PH matapos ang panibagong agresyon ng China sa WPS

Muling pinagtibay ni United State Defense Secretary Lloyd Austin ang suporta ng Amerika sa Pilipinas kasunod ng panibagong agresyon ng China sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ni Sec. Austin na kaisa ng PH ang Amerika sa pagdepensa sa sovereign rights at hurisdiksiyon nito sa pakikipag-usap ng US official sa telepono kay PH Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr.

Tinalakay din ng 2 opisyal ang kahalagahan ng pagpreserba sa karapatan ng lhat ng mga bansa na maglayag, magpalipad at mag-operate ng ligtas at responsable saanman na pinpahintulutan sa ilalim ng international law.

Maliban pa dito nagkasundo din ang dalawang opisyal na palakasin pa ang bilateral at multilateral cooperation kasama ang lik-minded partners sa West Philippine Sea at nangakong papataasin pa ang bilang ng bilateral initiatives para sa indormation-sharing, interoperability at capabilility enhancement para sa Armed forces of the Philippines.

Binigyang diin pa ni Sec. Auston ang 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng 2 bansa na magbibigay ng mutual defense sa parehong bansa sakaling magkaroon ng armadong pag-atake.

Una na ngang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaring ma-invoke ang MDT kapag ang bansa ay nahaharapa sa existential threat.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved