Nagsagawa ng blood-letting activity ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang ika-89 na anibersaryo sa mismong grandstand ng AFP sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
Sa isang panayam kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, pinaliwanag nito na ito ay isa sa naging aktibidad na ng pamunuan ng AFP na may temang “Dugong Alay mo, Sandigan ng Buhay ko” na siyang inumpisahan ng mga reservist ng naturang lakas militar.
Ginawa na ring taunang event ang natrurang aktibidad bilang pagkilala na rin sa mga sakripisyo at pakikibahagi ng mga sundalo ng AFP kung saan lahat ng unified command centers ng sandatahang lakas sa buong bansa ang nakikilahok dito.
Inaasahan naman ni Padilla na malalampasan nila ang dating naitalang numero ng mga na-collate na dugo ng mga nakaraang reservist.
Samantala, target naman ngayon ng pamunuan na makakuha ng higit 30,000 bags ng dugo ngayong taon.