Mga puntos ni White, naging pasaporte sa pakikipagtuos ng Bulls sa Heat

Mga puntos ni White, naging pasaporte sa pakikipagtuos ng Bulls sa Heat

— Advertisements —

Nagbuhos si Coby White ng 42 puntos, ang pinakamaraming naitala niya sa isang laro sa NBA, at naging daan para manatili ang Chicago Bulls sa paghahanap ng playoff spot.

Pinakahuling pinataob ng Bulls ang Atlanta Hawks sa score na 131-116.

Ito na rin ang pasaporte ng Chicago para makaharap sa Biyernes ang Miami Heat.

Marami ang humanga kay Coby sa record nito, ngunit para sa ilan ay mababalewala din iyon dahil sa ilang patakaran.

Gayunman, pinipili ni White na huwag pansinin ang istatistika mula sa mga laro sa play-in na hindi binibilang sa mga record ng regular-season o postseason ng mga manlalaro.

“I’m definitely counting it as my career high,” wika ni White.

Tiniyak naman ng Bulls na paghahandaan nila ang makaakatunggali na Heat, lalo’t posibleng maging mas agresibo ang players nito na kagagaling naman sa pagkatalo sa Philadelphia 76ers.

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved