84 anyos na lalaki sa Batanes na walang exposure at walang travel history, nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

84 anyos na lalaki sa Batanes na walang exposure at walang travel history, nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Isang 84 anyos na lalaki sa Batanes ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 at nagpositibo sa Rapid Antigen Test.

Ayon sa Batanes COVID-19 Task Group, ang pasyente ay itinuturing ngayong “Probable COVID-19 Case”.

Wala umanong record ng exposure ang lalaki at walang travel history.

Pero isa sa mga kasama nito sa bahay ay returning OFW na natapos sa kaniyang quarantine period noong Nov. 2.

Isasailalim na sa swab test ang pasyente para sa confirmatory test.

Inoobserbahan ito ngayon sa Batanes General Hospital.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.