42 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Kamara

42 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Kamara

42 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Kamara

Joy Cantos (Pang-masa) – August 13, 2020 – 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 42 katao sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tinamaan ng COVID-19 makaraang dalawa pang empleyado ang nagposi­tibo sa virus.

Ito ang inianunsyo kahapon ni House Secretary General Jose Luis Montales na ang isa sa mga nagpositibo ay empleyadong nakatalaga sa Committee on Rules na nagreport sa trabaho noong nakalipas na  Hul­yo 20 at noong Agosto 5.

Ang ikalawang em­pleyado na nagpositibo sa virus ay mula naman sa Grounds Maintenance Group na huling nagreport sa trabaho noong Hulyo 20 hanggang 30 pero  asymptomatic.

Ang nasabing empleyado ay nagkaroon ng kontak sa kaniyang kasama sa trabaho na una nang nagpositibo sa virus.

Sa 42 positibong tinamaan ng virus ay hindi dito kabilang si Senior Citizens Partylist Rep. Francisco Datol Jr. na binawian ng buhay noong Agosto 4 dahil sa COVID 19.

CosmoNews