4 Chinese kidnap victims nailigtas, 11 kidnap men nabitag

4 Chinese kidnap victims nailigtas, 11 kidnap men nabitag

Naaresto ng mga tauhan ng PNP – Anti Kidnapping Group ang 11 nandukot sa apat na Chinese nationals sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Pampanga.

Unang nailigtas sa isang klinika sa Amoranto Avenue sa Quezon City ang isang babaeng Chinese citizen at ito na ang nagsabi kung nasaan ang safehouse ng mga dumukot sa kanya sa Mexico, Pampanga.

Agad pinuntahan ng mga operatiba ang safehouse sa Barangay Sta. Cruz at nailigtas ang tatlo pang biktima.

Tatlo sa mga suspek ang nahuli sa Quezon City, ang Malaysian national na si Liang Khai Chean, Moy Yun Peng at ang Filipino na si Benjie Labor.

Sa Pampanga, walong suspek pa ang naaresto, dalawang Chinese nationals at anim na Filipino.

Inaalam pa ang tunay na pagkakakilanlan ng mga suspek, samantalang hindi na ibinahagi ng PNP ang motibo sa krimen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.