24 crew ng 4 barko sa Subic, nahawaan ng COVID-19

24 crew ng 4 barko sa Subic, nahawaan ng COVID-19

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) – April 19, 2021 – 12:00am

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Nasa 24 crew members ng mga barko ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ang nahawaan ng COVID-19 at kaagad na dinala sa kabubukas pa lamang na isolation and treatment facility sa Cubi Point dito sa freeport.

Sinabi ng pamunuan ng Subic Bay Metropo­litan Authority (SBMA) na ang mga tripulante na tinamaan ng COVID-19  ay mula sa apat na NAMRIA vessels na nakabase sa Subic Bay Freeport.

Ayon kay SBMA Chair­man and Administrator Amy Eisma, ginawa nila ang lahat ng pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa ibang mga crew members at maging sa mga tauhan sa Port of Subic.

“I’ve ordered a ‘gang­way-up’ status for all the NAMRIA ships, which means that all the remaining crew would have to stay onboard and cannot come onshore except for emergency,” sabi ni Eisma.

Idinagdag pa ni Eisma na ang mga health officials at port autho­rities ay nakapagsagawa na ng contact tracing bilang bahagi ng umiiral na COVID-19 protocols at iba pang health safety measures na ipinatutupad sa Subic.

“The vessel comman­ders have been very cooperative thus far–with the SBMA, as well as the Bureau of Quarantine and the Philippine Coast Guard, so we’re positive that this health issue would be resolved soon,” sinabi pa ni Eisma.

Ayon naman kay Dr. Solomon Jacalne, head ng SBMA Public Health and Safety Department, mayroon 18 crew members ng BRP Hydrographer Presbiterio ang nahawa sa COVID-19, habang apat pang positibong kaso ang naitala sa BRP Hydrographer Hizon, 1 sa BRP Hydrographer Palma, at isa pa sa BRP Hydrographer Ventura para sa kabuuang 24 na kaso.

Sinabi pa ni Jacalne­ na posibleng nahawa ang mga tripulante nang bumalik sa duty ang isang crewman ng BRP Ventura noong Abril 5 matapos umuwi sa Antipolo City na kabilang sa “NCR Plus bubble” na nasa ilalim pa ngayon ng modified enhanced community qua­rantine (MECQ).

CosmoNews

Comments are closed.

CosmoNews@2020. All Rights Reserved