14 parak sa Cagayan Valley tinamaan ng COVID-19

14 parak sa Cagayan Valley tinamaan ng COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) – February 28, 2021 – 12:00am

TUGUEGARAO CITY , Philippines — Labing-apat na pulis na karamihan ay nakatalaga sa Camp Tirso Gador sa lungsod na ito ang nagpositibo sa COVID-19 sa Cagayan Valley region kahapon.

Ayon sa Cagayan Provincial Health Office, lima sa mga nagpositibong pulis ay nakatalaga sa Cagayan Provincial Police Office habang apat naman sa Provincial Mobile Force Company na kapwa nasa iisang kampo. Isang pulis naman ang nagpositibo sa Tuao Police Station dagdag ng PHO. Ang 10 na nagpositibong pulis sa Taguegarao ay kabilang ng 25 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa lalawigan kahapon.

Nabatid na nagkaroon ng exposure ang mga bagong kaso sa kanilang dalawang kabaro na naunang nagpositibo sa virus noong Pebreeo 24.

Samantala sa Quirino, apat pang pulis ang nagpositibo sa COVID-19 sa Aglipay Police Station kasunod ng kanilang mass testing noong Pebrero 23. 

CosmoNews

Comments are closed.