10 pang COVID-19 cases, naitala sa Navotas City

10 pang COVID-19 cases, naitala sa Navotas City

Nadagdagan ng 10 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Sabado ng gabi (September 26), umakyat na sa kabuuang 4,869 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 228 ang aktibong kaso o katumbas ng 4.7 porsyento.

27 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,504 na ang total recoveries o 92.5 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 137 o 2.8 porsyento ang COVID-19 related deaths sa lungsod.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

CosmoNews

Comments are closed.